By Francine Irish Raña • October 21, 2024
Visuals by Thaddeus Noble

Sampung taon mula nang maipanukala ang batas na naglalayong patabain ang utak ng mga batang Filipino hinggil sa konsepto ng wika, agham, at sipnayan, ngunit tila hindi pa rin malinaw kung nasaan na tayo mula sa ating unang hakbang sa pagturo ng wikang katutubo.

On discontinuing mother tongue as medium of instruction


Sampung taon mula nang maipanukala ang batas na naglalayong patabain ang utak ng mga batang Filipino hinggil sa konsepto ng wika, agham, at sipnayan, ngunit tila hindi pa rin malinaw kung nasaan na tayo mula sa ating unang hakbang sa pagturo ng wikang katutubo. Bagaman malimit na bigyang-diin sa pagpatak ng buwan ng Agosto sa mga paaralan, hindi epektibong napagyaman ang katutubong wika sa mga silid-aralan. 


Malayo sa hangarin na paunlarin ang sistemang edukasyonal ang nangyari sa mga taong lumipas gamit ang Mother Tongue o ang ‘kinagisnang wika ng mga mag-aaral bilang midyum sa pagtuturo: nanatiling sadsad ang ating kalagayan sa parehong nasyonal at internasyonal na pagsusuri. Taon-taon kung ibalita sa midya ang ating kaawa-awang bahagdan pagdating sa learning poverty ayon sa ulat ng World Bank at ang ating karaniwang iskor sa mga pagsusulit tulad ng Programme for International Students’ Assessment (PISA), Trends in Internal Mathematics and Science Study gayundin sa National Achievement Test na ibinabahagi mismo ng DepEd. 


FB Post: https://www.facebook.com/share/p/1ACStjou1k/


ABOUT THE AUTHOR

Francine Irish Raña

Feature Editor

Francine Irish is the current Interim Feature Editor of ThePILLARS Publication.

NEWSLETTER

Stay connected with the latest stories from our publication, where we deliver thought-provoking insights, fearless journalism, and creative expressions from the Atenean community. Join us in our mission to inform, inspire, and empower, as we guide readers toward a more enlightened and compassionate future.

LATEST ARTICLES