Matapos ang hagupit ng Severe Tropical Storm Kristine, nagsilbing evacuation center ang Ateneo de Naga University (AdNU) para sa mga estudyante at residente mula sa mga binahang barangay sa Lungsod ng Naga.
Agad na nagmobilisa ang unibersidad upang magbigay ng masisilungan, pagkain, at serbisyong medikal sa mga evacuee na matinding naapektuhan ng pagbaha.
𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗘𝘃𝗮𝗰𝘂𝗲𝗲
Nagkaroon pa ng asynchronous classes ang mga estudyante ng College of Law noong Lunes, ika-25 ng Oktubre, kaya't hindi agad nakapaghanda sina Earl Cruz, Aya Atutubo, Klair Ordinario, Marjorie Ordinario, at Jessa Penol sa hagupit ni Kristine.
Ani Earl, isang residente ng Barangay Bagumbayan Sur, “Ah, well, mga around 8, nung 5pm palang alam naman na– aware naman ako na tataas pa yung tubig hanggang 8pm kasi nga nag momonitor din ako sa news pero di ko siya– akala ko troll troll lang. Pero yung reality nung 8:50 na, pucha yung tubig parang ano na, ang nangyari kasi parang di na biro yung tubig. Sobrang bilis, tas syempre–tas syempre Bagumbayan Sur man lang. Akala ko di na aabutin yung dorm ko kasi mataas taas. Pero around 10pm na, wala na. As in di ko na– inaabot na yung boarding house ko hanggang tuhod man lang.”
Dagdag pa niya, nagmakaawa siya sa isang malapit na apartment na may ikalawang palapag, ngunit hindi umano siya pinapansin. “[W]ala na, balita na lang ako [sa pamilya ko] dun sa Taguig.”
Isa namang estudyante ng BS Biology na si Joshua del Barrio ang nagsabing ito ang unang beses niyang naranasang mabaha. “Medyo, wala akong masabi. Yan, never ko tig-expect na pwedeng maging ganito kalala ang baha and yan di ako nakapag-prepare ng maayos.”
Si Joshua, na kasalukuyang nagbo-board sa Queborac, ay naghihintay pa rin ng rescue upang makauwi sa Camarines Norte.
𝗛𝗮𝗺𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗘𝘃𝗮𝗰𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿
Nag-iisa si Kristel Kay Piri habang tumataas ang tubig at ang tanging kasama niya ay ang kanyang mga aso. Mabuti na lamang at may mga tanod na dumaan. “Sabi ko: ‘Kuya, mapa-rescue na po ako kasi dae ko na ngako [kaya].’ Tapos yun kaiba ko siya, nagpwersa na talaga kami. Nagsilong lang kami duman sa urban sa may ano 2nd floor po. Tapos kang nag lie-low si uran, nagpilit na rin maglipat igdi kasi ano nasupog din ako doon kasi siyempre dae man kami nakaka-share pagkakan and pangangaipo din.”
Humihiling ngayon si Kristel ng kaunting tulong-pinansyal upang magkaroon ng sariling panggastos.
Samantala, isang residente ng Queborac ang naglabas ng sama ng loob matapos umanong walang tumulong sa kanila upang makaalis sa kanilang tinitirhan. “Sabi ko nyako pwede man po kami patabang ta bados-bados [ang kaibahan ko], dae na kaya magparalakaw-lakaw. Dae ninda ako inintindi. Mayo na daa kayang ano garo tong mayo ng pasahero. Sala yang gibo nindang yan.”
Dagdag pa niya, wala silang naisalbang gamit kundi ang kanilang kasuotan. Hiling niya, huwag na sanang pumili ng tutulungan ang kaniyang barangay sa oras ng kalamidad. “Dapat mayong pinipili. Ang tig iisip kaya ninda si pansadiri ninda, bago sa ibang tao.”
Ayon kay Sonny Virtus, Direktor ng Office of Student Affairs, noong Biyernes, may 164 na evacuee sa Alingal Hall, kasama ang 104 estudyante at ilang miyembro ng pamilya ng mga empleyado. Tinatayang nasa 200 pa ang nananatili sa University Gymnasium sa pangangalaga ng barangay.
“Water actually for bathing for hygiene,” tugon naman ni Sonny sa kung ano ang pinakakinakailangan ng mga evacuee. “Kasi dahil wala pang kuryente, water supply hindi pa stable so yung pampaligo nila. That's why we ask them to save water din for others. That's the biggest challenge for the students, for the evacuees.”
Ilang araw naman nang walang tulog ang Pangulo ng Liderato kan Nueva Atenista, si Ianthe Keziah Mae Rosanes, sa pakikipag-coordinate ng mga tulong. “Very tiring all throughout si period kang typhoon kasi siguro that time three-man team lang kami nag-asikaso for Kasangga. Me for coordination kang mga students - si mga na-trap sa dorms, si mga dae nako-contact ang families - and also si mga coordination sa pagkakan. Nagso-source out ako ning mga pagkakan hale sa mga co-org gcs ko and sa mga ka partner ko.”
Bagamat nagpapasalamat siya sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong sa proyekto nilang Kasangga Donation Drive, isa sa mga patuloy na kinakailangan ng mga evacuee ay gamot upang maiwasan ang pagkakaroon ng leptospirosis ng mga evacuee. Dagdag pa niya, nakalaan na ang dapat sanang pondo sa mga proyekto nila sa buwan ng Nobyembre upang bumili ng mga kinakailangan ng ibang mga estudyanteng nawalan ng mga gamit dahil sa rumaragasang pagbaha.
Si Elmer Sto. Domingo, ang tumatayong camp director mula sa Center for Community Development, ay nagsabing inaasahan ang tuluyang pagbabalik ng evacuee sa kanilang mga tahanan. “Pero, we are not discounting the fact na may mga estudyante tayo na hindi pa makabyahe. Like taga-masbate, taga-catanduanes, or dae pa siya makabyahe. So much better na igdi pa lang sinda. So we are not closing our doors for these people, sa mga students natin, sa mga staff na dae pa makauli sa saindang mga magurang,” pagsisiguro ni Elmer.
Para kay Elmer, dapat magsilbing aral ang nangyaring matinding pagbaha dulot ni Kristine, “Probably coming typhoons baka mas makusog pa igdiyo. You will never know kung nuarin maabot iyan. Habo ta man ano pero, we just have to prepare for it, diba?”
Sa kasalukuyan, labing-anim na lamang na mga estudyante na natitira sa pamantasan.
Samantala, ilalaan naman ng unibersidad ang susunod na linggo upang ibalik sa ayos ang mga pasilidad nito sa pagbabalik ng mga estudyante sa ikaapat ng Nobyembre.
person ABOUT THE AUTHOR
Ivan Obias
News Editor
Ivan Obias is currently the Interim News Editor of ThePILLARS Publication.
newspaper NEWSLETTER
Stay connected with the latest stories from our publication, where we deliver thought-provoking insights, fearless journalism, and creative expressions from the Atenean community. Join us in our mission to inform, inspire, and empower, as we guide readers toward a more enlightened and compassionate future.
announcement LATEST ARTICLES