Contributor
Ipinagtagumpay ng Court of Appeals ang petisyon ni Cora Jazmines, na nagbigay ng writ of amparo at habeas data para sa kanyang nawawalang asawang si James—isang labor leader na dinukot sa Tabaco, Albay noong Agosto 2024. Ngunit para kay Cora, hindi sapat ang tagumpay sa korte: "Ilitaw sila o ilitaw ang katotohanan."