
Marcos, singilin — KMB, BAYAN CamSur hinggil sa papalapit na SONA
Bitbit ang mga panawagan para sa tunay na repormang agraryo, pagtutol sa militarisasyon, at pagtatanggol sa lupa at kabuhayan, mariing siningil ng mga progresibong grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago ang kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA). Sa isang Kapehang Bayan sa Naga City, inilatag ng mga kinatawan ng iba't ibang organisasyon ang kanilang mga puna sa mga polisiya ng administrasyon, habang nananawagan ng malawakang pagkilos sa Camarines Sur sa araw ng SONA.











